-- Advertisements --

Nagpapagaling na mula sa bronchitis ang actress na si Sunshine Dizon.

Ito ay matapos na gumaling na siya mula sa COVID-19.

Sa kaniyang social media, ay nagpost ang actress ng update sa kaniyang kalusugan habang ito ay nasa pagamutan pa.
Sinabi pa ng 39-anyos na actress na labis ang kaniyang kalungkutan dahil sa mag-isa lamang itong nagpapagaling sa pagamutan.

Nauna ng inamin ng actress na dumanas siya ng depression, panick attacks at abandonment issues.

Pinasalamatan din nito ang mga fans at kapwa artista na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran nitong paggaling.

Hiwalay ang actress mula sa dating asawang si Timothy Tan noong 2016 kung saan mayroon silang dalawang anak.