-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Hollywood actress Jane Fonda na nakatakda na itong huminto sa pagsasailalim ng kaniyang chemotheraphy treatment.
Ito ay dahil sa unti-untian ng nawawala ang kaniyang cancert.
Itinuturing ng 85-anyos na two-time Oscar-winning actress na isang magandang regalo sa kaniyang kaarawan ang nalalapit ng pagkawala ng kaniyang cancer.
Sa kaniyang social media account ay pinasalamatan nito ang mga fans na nagdasal para sa agaran niyang paggaling.
Magugunitang noong nakaraang tatlong buwan ay na-diagnosed ito ng lymphoma isang uri ng cancer na namumuo sa lymphatic system.