-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang veteran singer na si Cher dahil sa pagpanaw ng actress na ina na si Georgia Holt sa edad 96.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan kasama ang pumanaw na ina.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang singer sa sanhi ng kamatayan ng ina.

Noong Setyembre kasi ay itinakbo nito ang ina sa pagamutan matapos na nakaranasa ng pneumonia.

Isinilang noong 1926 sa Arkansas si Holt ay actress,model at singer kung saan noong 1950 ay lumabas ito sa iba’t-ibang mga show sa US.

Noong 2013 ay inilabas nito ang debut album na “Honky Tonk Woman” na kaniyang ini-record noong 1980 kasama ang miyembro ng Elvis Presley’s band.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang celebrities at singer sa US.