Nagwagi bilang Best Actress si Cate Blachet sa 2023 Golden Globes awards ng Hollywood Press Association.
Kinilala ang actress a pagganap nito sa Motion Picture-Drama na Tar.
Nakuha naman ng actor na si Austin Butler ang Best Actor Award sa pelikula naman na Elvis.
Ito na ang pang-apat na Golden Globes award ni Cate habang pangalawang award naman ito ni Colin.
Tinanghal din na best actress in Motion Picture- Musical o Comedy si Michelle Yeoh para sa pelikula nitong “Everything Everywhere All At Once.
Habang tinanghal na best actor sa parehas na kategorya si Colin Farrell dahil sa pelikulang “The Banshees of Inisherin”.
Napili naman bilang Best Motion Picture – Drama ang “The Fabelmans” ng director na si Steven Spielberg.
Ito na ang pangatlong Golden Globe awards ni Spielber na una ay sa pelikulang ” Schindler’s List” noong 1994 at sa pelikulang “Saving Private Ryan” noong 1999.