-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actress na si Annie Wersching sa edad 45.

Ayon sa publicist nito at asawang si Stephen Full na hindi na nito nakayanan ang pakikipaglaban sa cancer.

Taong 2020 ng madiagnosed ito ng cancer subalit hindi na binanggit pa ng kampo nito kung anong uri ng cancer siya mayroon.

Sumikati ito ang actress sa ilang mga tv series sa US gaya ng “24”, “Vampire Diaries”, “Dallas” at maraming iba pa.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga kapwa nitong artista matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng actress.