-- Advertisements --
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay sa Hollywood actor na si Thomas Jefferson Byrd.
Binaril ang 70-anyos na aktor sa likod ng kaniyang bahay sa Belvedere Avenue, Atlanta Georgia.
Nagtamo na maraming tama sa kaniyang katawan lalo na sa likod ang biktima dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.
Si Byrd ay ipinanganak sa Atlanta kung saan nakatapos ito ng bachelor’s degree sa Morris Brown College at master’s degree sa California Institute of the Arts.
Nakilala ang aktor sa kaniyang mga proyekto na “He Got Game,” “Get on the Bus” at “Clockers.