
Inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na payuloy na magiging bukas sa publiko ang Puerto Galera para sa turismo sa kabila ng poor water quality sa lugar at ibinabala na maaaring mawalan ng revenue ang Oriental Mindoro na P5.3 million kada araw kapag pagbabawalan ang mga turista na makapunta sa top travel destination.
Nasa 26 mula sa 35 sampling stations na kasi sa bayan ng Puerto Galera na isang pangunahing tourist spot sa Oriental Mindoro ang pumasa sa water quality test na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kung kayat nagpaalala si Environment Undersecretary Jonas Leones sa publiko na mag-ingat sa pagkkaroon ng direktang contact sa kontaminadong tubig na maaaring magresulta ng sakit sa balat, mga pantal o paltos.
Sa isang joint statement, sinabi ng Department of Health at DENR, na ang mga lugar na pumasa sa water qulity test ay ang Small Lalaguna and Big Lalaguna shorelines, Balete, Central Sabang shoreline, Coco Beach, Batangas Channel, Paniquian, Balatero, at West San Isidro Bay.
Ipinunto ni Leonas na ang resulta ng pagsusuri na nakatuon sa paganalisa ng langis at grease contminants ay hindi pa conclusive kung may kinalaman sa tumagas na langis ang poor water quality sa 26 na iba pang stations na tumama sa karagatan ng Oriental Mindoro matapos lumubog ang MT Princess Empress.
Kailangan pa aniya ng ibayong pagaanalisa para sa kalidad ng tubig sa lugar dahil base sa data results, ang water quality sa naturang mga lugar sa Puerto Galera ay hindi na maganda bago pa man magkaroon ng oil spill.
Ayon pa sa DENR official na kahit pamalinaw ang tubig sa Puerto Galera posible pa ring kontaminado ito.
Positibo naman si DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na mako-contain ng pamahalaan ang oil spill sa Oriental Mindoro ngayong buwan ng Abril.










