-- Advertisements --

Naniniwala ang Presidential Anti Corruption Commission (PACC) na isa sa mga sentro at pinagmumulan ng katiwalian sa Philhealth ay ang kanilang Legal Department and Information Technology office.

Una nang sinabi ng dalawang whistleblower sa pagpupulong nila sa Task Force Philhealth na sa IT department ay ginawa talaga para mapadali ang pagmanipula ng mga naturang scheme.

Paliwanang naman ni PACC Commissioner Greco Belgica sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, kung dati ay puwedeng pekehin nang mano-mano ang mga transaksiyon sa ahensiya ay mas madali na raw ngayon dahil sa IT department.

Aniya, sa pamamagitan ng paggamit ng IT system ay mas mabilis ang pamemeke at pakikipagsabwatan ng mga Philhealth officials sa mga doktor, ospital at bangko para sa kanilang transaksiyon.