-- Advertisements --

Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng ilang karne, buhay na hayop, at kaugnay na produkto mula sa Denmark, Finland, Estonia, at Greece.

Ipinatupad ang hakbang matapos matukoy ang banta ng mga sakit sa hayop mula sa mga nabanggit na bansa.

Kasabay nito, ipinahinto na ng kagawaran ang pagproseso at pag-isyu ng import clearance para sa mga sakop na produkto.

Inatasan din ang mga veterinary quarantine officer na bantayan ang mga pantalan upang harangin ang mga ipinagbabawal na kargamento.

Kukumpiskahin ng mga awtoridad ang anumang sakop na shipment na makikita sa mga border at pantalan upang maprotektahan ang lokal na sektor ng agrikultura.