Nanawagan sa Kataas-taasang Hukuman si Marinduque Gov. Melecio Go kasama Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na agarang aksyunan ang ‘petition for certirorari’ kontra bilyong piso halaga ng pagbabayad sa mga abogado ng probinsiya.
Kanilang mariing kinuwestyon ang umano’y P1.6 billion na ‘attorney’s fee’ ng mga dating abogado ng lugar kaya’t hinimok ang hukuman na mamagitan.
Nag-ugat ang isyu sa 25% na ‘contingency fee’ na hinihingi ng isang private law firm na kinuha noon pang nakaraang liderato o administrasyon.
Ang law firm kasi ang siyang humawak sa negosasyon ng kasunduan $100-million settlement sa pagitan ng Marinduque at mining firm na Barrick Gold, may kinalaman sa trahedyang 1996 Marcopper mining disaster.
Sa desisyon ng Court of Appeals, pinaboran nito ang law firm at naglabas ng writ of garnishment para direktang ikaltas ang bayad sa pondo ng probinsya.
Ngunit pinangambahan ito ni Gov. Go sapagkat halos katumbas na ng buong taunang pondo ng probinsya ang 1.4 billion pesos ang kinukwestyon halaga ng babayaran kaya’t nagpadala na ng liham kay Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda.
Maaari raw kasing maapektuhan ang pasahod sa mga empleyado at mga proyektong ipapatupad sa Marinduque kung makakaltasan ang kanilang pondo.
Ikinadismaya nilang mas mauuna pa mabayaran ang mga abogado gayong wala pang malinaw na alokasyon umano para sa mga biktima.














