-- Advertisements --

Ipinakita ni Miss Universe Philippines Bea Millan Windorski ang kanyang pagmamalaki sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng isang natatanging kasuotan bago ang Miss Universe finals ngayong Miyerkules, Nobyembre 25.

Dinisenyo ni Jaggy Glarino, tampok sa kasuotan ang makukulay na beadwork ng mga T’boli mula sa South Cotabato, na pinagsama sa modernong disenyo at malalapad na butterfly sleeves.

Ayon kay Windorski, nais niyang dalhin ang sining at kultura ng Pilipinas sa entablado ng Miss Universe.