-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang apat na suspek na iniuugnay sa pagpapakalat ng improvised explosive device (IED) ilang oras bago ang pagsasagawa ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) chief Robert Morico na isinagawa nila ang manhunt hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati sa Quezon province at Pampanga.

Mayroon ding ginagawang pagtutugis sa bahagi ng Mindanao.

Mayroon na silang apat na katao ang nasa kustodiiya nila at ang mga ito ay pawang Pilipino.

Itinuturing na ang pangyayari ay isang uri ng paghahasik at takot sa komunidad.

Mayroon na silang inihandang kasong Anti-Terrorism Act laban sa mga suspeks.

Nakita ang dalawang IED sa bahagi ng Senado at Department of Justice noong Hulyo 27 ilang oras bago isagawa ni Pangulong Marcos ang kaniyang SONA.

Sumabog ang IED na natagpuan sa DOJ habang hindi naman sumabog ang natagpuan sa Senado.

Walang sinumang nasaktan ang naiulat sa nasabing insidente.