Idineklara nang state of calamity ang buong lalawigan ng Isabela dahil sa malawakang pinsala sa agrikultura dulot ng nararanasang strong El Niño.
Batay sa Resolution No. 2026-D-01 na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan noong Nobyembre 12, 2026, umabot sa mahigit P2.88 bilyon ang pinsala sa mga pananim na mais, palay at high-value crops, na sumaklaw sa mahigit 125,807 ektarya.
Ayon naman sa DOST-PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang napakalakas na El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027, na maaaring magdulot ng kakulangan sa pag-ulan at mas matinding tagtuyot.
Sa ilalim ng deklarasyon, maaaring gamitin ang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund, kabilang ang Quick Response Fund, para sa mga karapat-dapat na relief at recovery activities. Hihingi rin ng tulong sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Mananatiling epektibo ang deklarasyon hanggang sa susunod na taon Nobyembre 10, 2027.










