Binatikos ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang testimonya ng eksperto sa anti-money laundering na iniharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Ayon kay Adiong, lumampas sa saklaw ng kanyang testimonya si Atty. Rainer Dela Fuente, dating imbestigador ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Aniya, hindi nito direktang natalakay ang mga alegasyon tungkol sa yaman ng Bise Presidente.
Kinuwestiyon din ng ilang senador ang kakayahan ni Dela Fuente na suriin ang mga dokumentong pinansyal dahil inamin nitong hindi niya mismo sinuri ang mga dokumentong ginamit ng eksperto ng prosecution.
Batay sa pagsusuri ni forensic accounting expert Alexander Cabrera, umaabot sa hindi bababa sa P817.87 milyon ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman at hindi idineklarang ari-arian nina Duterte at ng kanyang asawang si Manases Carpio.
Iginiit ni Adiong na hindi pa direktang nasasagot ng mga testigo ng depensa ang mga ebidensyang iniharap ng prosecution.
Kinuwestiyon din niya ang kredibilidad ng mga testigo dahil sa kanilang ugnayan sa Bise Presidente.
Nasa kamay na ng impeachment court ang pagpapasya sa bigat ng mga ebidensya at testimonya.
Patuloy namang itinatanggi ng kampo ni VP Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya.








