Desidido ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na magsampa ng kaso laban sa mga kapulisan na umaresto sa ilang mga protesters.
Ayon kay NUPL President Ephraim Cortez na malinaw na lumabag sa karapatang pantao ang mga kapulisan sa pag-aresto sa mga protesters.
Inihahanda nila ang mga kasong arbitrary detention at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985.
Kasama rin na isasampang kaso base sa Republic Act 7438 lalo na ang right to counsel ng mga detainees.
Ang nasabing hakbang ay matapos naarestuhinng mga kapulisan ang mahigit 200 na protesters na nagsagawa ng rally sa pagsisimula ng 49th ASEAN Summit.
Iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights ang umanoy paglabag ng kapulisan sa pag-aresto nila sa 11 na protesters sa lungsod ng Maynila.
Kinokondina na ng mga protesters ang pagdating sa bansa ni US President Donald Trump na dumalo sa ASEAN Summit.
Una ng ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na inaresto lamang nila ang mga protesters dahil sa walang mga permit umano ang mga ito para magsagawa ng rally at dahil na rin sa reklamo ng ilang residente na sila ay naabala sa grupo.















