-- Advertisements --

Arestado ang 11 Chinese nationals at isang Pilipino sa isang operasyon ng pulisya sa Nasugbu, Batangas, matapos umanong mahuling nagpapatakbo ng negosyo nang walang kaukulang business permit.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Nasugbu Municipal Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng Police Regional Office 4A bandang alas-4:40 ng madaling araw noong Nobyembre 19 sa Sitio Batulao, Barangay Kaylaway.

Nasamsam sa operasyon ang 18 personal computers, 18 laptops, gayundin ang isang caliber .45 pistol, apat na magazine at mga bala.

Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga naaresto.