Nagkasundo ang tatlo sa pinakamakapangyarihang lider ng mundo na sina United States President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, at Chinese President Xi Jinping na palakasin ang pandaigdigang kapayapaan kasunod ng kanilang kauna-unahang trilateral meeting sa Shenzhen, China, nitong Huwebes, kasabay ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Tumagal nang isang oras at 20 minuto ang pagpupulong, kung saan tinalakay ang seguridad, enerhiya, digmaan sa Ukraine.
Sa kanilang pinagsamang deklarasyon, iginiit ng mga lider na hindi dapat maganap ang nuclear war, napag-usapan din ang pagpapalawak ng produksyon at suplay ng petrolyo.
Binigyang-diin ni Trump ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon upang maiwasan ang mga pandaigdigang sigalot, habang iginiit naman ni Putin ang pangangailangang wakasan na ang lumalalang digmaan sa Ukraine.
Itinuturing na makasaysayan ang naturang pagpupulong dahil ito ang unang pagkakataong nagsagawa ng trilateral discussion ang tatlong lider, sa gitna ng umiiral na tensiyon at magkakaibang interes ng kanilang mga bansa.














