-- Advertisements --

Naghahanda na si Pinoy two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo para sa laro nitong tennis.

Kabilang kasi si Yulo sa homecoming event ni Pinay tennis star Alex Eala na gaganapin sa buwan ng Disyembre sa Philippine Arena.

Kasama nitong nag-ensayo ang nobya nitong si Chloe San Jose.

Dahil sa pagsali ay itinuturing na ang event bilang Philippine Sports all-stars dahil makakasama rin si boxing champion Manny Pacquiao.

Makakasama rin nila ang mga ibang mga artista para maglaro sa nasabing exhibition game.

Sa main event ay makakaharap ni Eala si WTA Southeast Asian champion Janice Tjen ng Indonesia.

Magugunitang nasa ranked number 15 si Eala sa pinakahuling ranking ng Womens Tennis Association.