-- Advertisements --
Umabot sa 5,801 magsasaka sa Caraga ang nakatanggap ng indibidwal na titulo ng lupa sa ilalim ng SPLIT Project ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ipinamahagi ang mga ito sa isang aktibidad sa Buenavista, Agusan del Norte, sa pangunguna ng mga opisyal ng DAR at DAR-13.
Bukod sa lupa, nagkaloob din ang ahensya ng mahigit P2.4 milyong halaga ng mga makinarya at tulong-pangkabuhayan sa anim na kooperatiba ng mga magsasaka.
Ayon kay DAR-13 Regional Director Merlita Capinpuyan, patuloy ang kanilang layunin na patatagin ang seguridad sa pagmamay-ari at itaguyod ang produktibidad sa agrikultura.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa pamahalaan dahil sa malaking tulong ng mga ito para sa kanilang kabuhayan at sakahan.













