-- Advertisements --
Itinalaga ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang chairperson ng Commission on Audit na si Gamaliel Cordoba bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.
Papalitan niya si SC Associate Justice Amy Lazaro-Javier na nakatakdang magretiro na mula sa pagseserbisyo sa Kataas-taasang Hukuman.
Si COA Chairperson Cordoba ay kabilang sa 11 personalidad nakasama sa isinumiteng shortlist ng Judicial and Bar Council sa pangulo.
Magugunitang sa makaraan public interview nito noong Oktubre 15, binigyang diin ni Cordoba ang 26 taong karanasan sa serbisyong publiko.
Nais aniyang maidala sa Korte Suprema ang mga karanasan sa collegial at quasi-judicial bodies sa layunin makapaghatid ng ibang pananaw sa pagresolba ng mga usaping legal.














