-- Advertisements --
Ipinagdiwang ng vlogger, aktres, at TV host na si Alex Gonzaga at asawang si Mikee Morada ang kanilang ika-anim na anibersaryo ng kasal sa unang pagkakataon bilang isang pamilya.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Alex ang mga larawan ng kanilang masayang pagsasama kasama ang kanilang panganay na anak na si Isaac, na isinilang noong Agosto 2026.
“6 years of being married!!! From now on, we get to celebrate our wedding anniversary as a family of three. Thank You, Lord, for another year of love,” ani Alex sa kanyang post.










