-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Miss Universe Philippines Bea Milla Windorski ang yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang kasuotan sa ikalawang araw niya sa Puerto Rico.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Windorski na hango sa tradisyonal na paghahabi ng mga basket sa Pilipinas ang kanyang outfit, na muling binigyang-kahulugan sa pamamagitan ng makabagong disenyo.

Gamit ang mga handmade strips of lamé na maingat na hinabi, nabuo ang isang natatanging kasuotan na sumasalamin sa husay, pagkamalikhain at craftsmanship ng mga Pilipino.