-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang malaking rollback sa mga produktong petrolyo kung saan aabot sa P16.80 bawat litro ang bawas sa gasolina, P4.10 sa diesel, at P3.70 sa kerosene.

Ayon sa ahensya, ang malaking bawas-presyo ay bunsod ng pagbagsak ng presyo ng langis sa international market dahil sa pagluwag ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Malaking tulong ang rollback na ito para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan (PUV) at mga delivery rider na labis na naapektuhan ng mataas na gastusin sa krudo nitong mga nakaraang buwan.

Nilinaw naman ng DOE na ang paggalaw ng presyo ng langis ay hindi hawak o kontrolado ng pamahalaan ng Pilipinas, dahil nakadepende ito sa galaw ng international commodities market.