Ilang Fil-Am candidates ang may sigurado nang pwesto sa kongreso at state races sa ilang mga estado matapos ang nagdaang United States midterm elections.
Halos anim na Filipino American candidates ang naitalang nanalo o inaasahang mananalo mula sa Virginia, California, Nevada, North Carolina at Tennessee.
Sa estado ng Virginia, nanalo ang Democrat Representative Robert “Bobby” Scott para sa 3rd Congressional District, ito na ang ika-18th consecutive term nita sa US House of Representative.
Sa California naman, naipanalo ni Rob Conta ang isa pang termino bilang attorney general. Ang kapwa niya ring na nasa Democrat party na si Jessica Caloza, ay kauna-unahang Pinay na na-elect para naman sa California Legislature.
Nanguna naman si Mark Pulido na isang Cerritos councilmember at dating alkalde sa Assembly District 67.
Sa Nevada naman, nanalo rin ang kauna-unahang Filipina legislator na si Erica Mosca sa Assebly District 67.
Tinalo naman ng Filipino American Representative na si Maria Cervania ang Republican party na si Bruce Forster.
Inaasahan pang madagdagan ang bilang ng mga Filipino American na mananalo sa halalan, gayundin ang mga kandidatong mula sa iba’t ibang lahi na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa Estados Unidos, habang nagpapatuloy ang pagbibilang ng mga balota.












