Hinikayat ng Commission on Human Rights ang gobyerno maging ang lahat ng sektor nito na mas paigtingin ang pagbibigay halaga at pagprotekta sa mga bata kasabay ng paggunita ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.
Ayon pa sa CHR, dapat masiguro na maproteksyunan ang mga bata sa pamamagitan ng pagiging handa bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna o emergency.
Biniyang diin din ng kagawaran na ang pangangalaga sa mga bata ay marapat lamang na lahat ay kabilang at walang maiiwan lalong-lalo na sa mga batang may kapansanan.
May tema ang panawagan ngayong taon na “Stand Up! Respond and Care: With Prepared Children, the Nation Is Safer,” kung saan nakapailalim din ang pagbibigay prayoridad sa kaligtasan ng mga bata sa iba’t-ibang sakuna tulad ng bagyo, baha, lindol, at armed conflict.
Nanawagan din ang komisyon na mahalaga ang matatag na pagbibigay proteksyon sa mga bata laban sa mga online sexual abuse at exploitation.













