Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatapusin ang programa sa pamamahagi ng lupa sa ilalim ng agrarian reform bago matapos ang kanyang termino sa 2028 upang matiyak ang sariling lupa ng mga magsasaka.
Sa kanyang pagbisita sa Jaro, Leyte, kasama si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, personal na dumalo ang Pangulo sa pamamahagi ng 536 electronic land titles sa 508 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang lalawigan ng Leyte at Samar.
Ang mga titulo ay nabuo sa ilalim ng SPLIT Project ng DAR at sumasaklaw sa kabuuang 670.5 ektarya ng lupang agrikultural ayon kay DAR-8 Director Atty. Robert Anthony Yu.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kasaysayan ng programa na sinimulan pa ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at ng noo’y kalihim na si Conrado Estrella.














