-- Advertisements --

Kabilang sa mga may mataas na presyo o service fee ang pagpapalibing, cremation, o pagbili ng isang columbarium niche sa Pilipinas.

Batay sa average na price, nasa P15,000 hanggang P20,000 ang gastusin sa cremation.

Ito ay depende pa sa lokasyon kung saan isasagawa ang naturang proseso dahil kadalasang mas malaki rin ang pagkakaiba ng halaga nito sa probinsiya kumpara sa kung isasagawa ito sa Metro Manila.

Aabot naman sa P80,000 hanggang P245,000 ang presyo ng columbarium niche, depende pa rin sa lokasyon. Kadalasan ding mas mataas ang itinatakdang presyo sa mga niche na eye-level ang puwesto.

Ang isang niche ay karaniwang maaaring paglagyan ng hanggang apat na cremated remains o apat na labi.

Sa kabilang banda, tinatayang aabot mula P80,000 hanggang P500,000 ang gastos sa traditional burial o full-body burial. Kadalasan ding mas mahal ang cemetery lots sa Metro Manila dahil limitado ang available na espasyo, kumpara sa probinsiya.