-- Advertisements --

Umakyat na sa ika-18 puwesto ng NBA All-Time Scoring List si Golden State Warriors superstar na si Stephen Curry matapos malampasan ang dating rekord ni NBA Hall of Famer Dominique Wilkins.

Naabot ni Curry ang 26,669 career points sa kanilang laban kontra Los Angeles Lakers nitong Biyernes, dahilan upang umangat siya sa ika-18 puwesto ng all-time scoring leaderboard.

Nalampasan na rin ng Warriors star ang mga dating NBA greats na sina Tim Duncan, Paul Pierce, John Havlicek at Kevin Garnett.

Nasa ika-17 puwesto naman si Oscar Robertson na may 26, 710 career points 36 points na lamang para muli itong malampasan ni Curry

Samantala, nananatiling nangunguna sa all-time scoring list si LeBron James na may 43,522 puntos, habang nasa ikalawang puwesto si Kareem Abdul-Jabbar na may 38,387 puntos.