Inanunsyo ng interior minister ng France na nakatakdang magtalaga ng 70,000 na kapulisan sa buong bansa upang paghandaan ang napipintong protesta sa Sabado kasabay ng Halloween.
Ayon kay Interior Minister Laurent Nunez na mas paiigtingin pa lalo ang security measures tulad ng paggamit ng armored vehicle at water cannon.
Matatandaang nagkaroon ng malawakang protesta sa iba’t-ibang parte ng France dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at tumataas na halaga ng pamumuhay, na siyang nagdulot din ng malawakang looting at rayot sa iba’t-ibang pamilihan.
Umabot naman sa 2,700 na katao ang naaresto sa nakaraang kilos-protesta. Samantala, binalaan naman ni Nunez ang mga magsasagawa ng demonstrasyon sa mga mananamantala sa Halloween upang itago ang kanilang mga mukha sa public areas.
Inihayag rin ng interior minister na papayagan naman ang mga demonstrasyon ngunit hindi sa “city centers” kung saan maaaring magbunsod ng malaking kaguluhan.
Maglulunsad ang Yellow vest movement ng kanilang ika-ttalong kilos protesta sa araw ng Halloween sa National Assembly at sa lahat ng town halls sa bansa.








