Magde-deploy ang Philippine Red Cross (PRC) ng 1,848 tauhan para sa Undas Operation 2026, kabilang ang 248 personnel at 1,600 volunteers, upang tumulong sa publiko ngayong Undas.
Maglalagay rin ang ahensiya ng mga first aid station, welfare desk, mobile units, foot patrol team, ambulansiya at mga emergency vehicles sa mga sementeryo, bus terminal, pantalan, paliparan at command post sa bansa.
Sa kabuuang first aid station, 35 ang nasa Metro Manila, 149 sa Luzon, 38 sa Visayas at 29 sa Mindanao. Pinayuhan din ng PRC ang publiko na tiyaking nakakandado ang mga bahay, madaling makuha ang emergency contact numbers at nakahanda sa anumang sakuna.
Hinimok naman ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, sumunod sa batas-trapiko at planuhin ang biyahe. Nauna nang inilagay ng Department of Health sa Code White Alert ang Metro Manila upang manatiling nakaantabay ang mga ospital at emergency response team sa posibleng pagdami ng mga pasyenteng mangangailangan ng agarang atensiyong medikal.














