-- Advertisements --

Ibinida ng American multinational tech company na Apple ang kanilang kauna-unahang touchscreen laptop o touchscreen MacBook nitong Miyerkules, Oktubre 28.

Sa pangunguna ni Apple CEO John Ternus, ibinahagi ng kumpanya ang pakulo nitong MacBook Pro touchscreen model sa isang on stage Apple event sa Los Angeles kung saan ibinida ni Ternus ang makabagong features ng nasabing model.

Kabilang sa mga specs nito ang advanced na touch sensitive organic light-mitting diode display o PROLED XDR Display kung tawagin.

Bukod sa OLED display nito, makikita rin sa bagong model ang tandem OLED panel kasama ang Dynamic Island.

Pinagagana rin ito sa ilalim ng makabagong M5 Pro o M5 Max chips.

Bagama’t nakatakda pa lamang i-release sa Pilipinas, maaari nang i-preorder ang bagong MacBook Pro sa United States bago ang retail release nito sa darating na Nobyembre 6.