Itinanggi ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na may kaalaman siya sa umano’y P1.3 bilyong insertion para sa infrastructure projects ng kanyang distrito sa bersyon ng 2027 national budget na ipinasa ng HOUSE OF REPS sa Senado.
Ayon kay Luistro, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang may huling pasya sa mga proyektong isasama sa National Expenditure Program o NEP, na sasailalim din sa pagsusuri ng Department of Budget and Management.
Itinanggi rin niyang may kaugnayan ang malaking alokasyon sa kanyang pagiging lead prosecutor sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Luistro na makikipag-ugnayan siya sa House Committee on Appropriations upang linawin ang listahan ng mga proyekto at kung paano umabot sa P1.3 bilyon ang umano’y alokasyon. Dagdag niya, ang district engineering office ay nagsisilbi rin sa Batangas 5th District.













