-- Advertisements --

Pinapabilis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Energy (DOE) ang mga nakabinbin na mga energy projects dahil sa inaasahang epekto ng Super El Nino.

Ayon sa Presidential Communications Office, na ilan sa proyektto na ito ay ang mga power projects na magdadagdaga ng 1,500 megawatt sa suplay ng kuryente sa unang bahagi ng 2027.

Kasama rin na ipinag-utos ng Pangulo ang pagpapakalat ng reserve power supply kabilang ang 253 megawatt energy storage system.

Una na rin tiniyak ng DOE ang kanilang kahandaan lalo na sa pananalasa ng El Nino.