-- Advertisements --
Nagtala ng record sa kasaysayan ang Filipino dance team na Legit Status Varsity.
Ito ay matapos na makamit nila ang gintong medalya sa 18-and-Under Advance Category sa UDO World Finals.
Sila ang unang Filipino team na nagwagi sa nasabing torneo na ginanap sa Blackpool, United Kingdom.
Binuo ang grupo noong 2009 ni coach at artistic director Vimi Rivera ang koponan na mayroong 23 na mga batang dancers.
Nagsasanay ang grupo sa GC Dance Studios sa Cubao, Quezon City.
Ang nasabing panalo ay dagdag sa mga nakamit nilang tagumpay kabilang ang nakuha nilang gintong medalya sa Under -16 category at silver medal naman sa Adult MegaC Crew Division at ang SOAR Street Dance championship sa World Finals sa Manchester.









