Nakatakdang sumubok muli si dating Cavite Representative na si Kiko Barzaga sa boxing laban kay Tain Landrito sa isang special lightweight bout sa ‘Tagaytay Fight Night’ bukas, Oktubre 18, 2026.
Inaasahang magiging tampok sa boxing event ang paghaharap nina Barzaga at Landrito, na bahagi ng inihandang fight card ng ‘Batang Tol Promotions’ sa pangunguna ni Tagaytay City Councilor Michael Tolentino.
Inanyayahan ni Councilor Tolentino ang publiko na pumili sa mga boksingerong magpapamalas ng kanilang husay, bilis at tibay sa ring.
Bukod sa mga lokal na kalahok, nakatakda ring makilahok sa nasabing boxing event ang mga international boxer mula sa Thailand, Egypt at Hong Kong, na magdaragdag ng internasyonal na presensya sa programa.
Dating kinatawan ng Cavite sa Kongreso si Barzaga bago siya mapalitan ng kanyang ina. Bago pa man ang kanyang pagpasok sa pulitika, nakikilahok na rin siya sa mga amateur boxing competition.
Sa kanyang muling pagsabak sa ring, tututukan kung paano niya maipapakita ang kanyang kakayahan sa harap ni Landrito.













