-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magaganap na taas presyo sa mga pangunahing bilihin at prime commodities kasama na ang bottled watter.
Ang nasabing pahayag ng DTI ay kasunod ng inaasahang epekto sa bansa ng super El Niño.
Sinabi ni Trade Secretary Cristina Aldeguer-Roque na wala silang natanggap na hirit mula sa mga manfacturers.
Siniguro di nito na mayroong sapat na suplay ng basic goods kabilang ang mga bottled water dahil sa inasaahang dulot ng El Niño.
Hinikayat din ng Kalihim ang publiko na huwag mag-panic buying at ma-hoard.















