-- Advertisements --

Nagkaroon ng maayos na tulog sa ospital si Pope Leo XIV habang patuloy na nagpapagaling mula sa kanya katatapos lamang na lung cancer surgery, ayon sa inilabas na statement ng Vatican ngayong Huwebes.

Ang 71-anyos na lider ng simbahang katolika ay matatandaang sumailalim sa isang operasyon kung saan tinanggal ang tinatawag na nodule mula sa kanyang baga.

Ayon sa Gemelli hospital sa Rome noong Martes, sinabi ng Vatican na kinailangan itong tanggalin mula sa kanyang kanang baga.

Ayon naman sa mga doktor ng noong Miyerkules na patuloy ang recovery ng Santo Papa.

Sa ngayong hinihintay na lamang ang resulta ng biopsy upang malamang kung kumalat ba ang cancer. Bago ang surgery, sinabi rin ng Vatican na aabutin ng isang linggo ang paggaling ng Santo Papa.