Mabilis na umuusad ang konstruksyon ng china sa Antelope Reef sa Paracel islands, kabilang ang pagtatayo ng runway na ayon sa mga analyst ay maaaring matapos pagsapit ng kalagitnaan ng 2027.
Makikita ang grading works, mga tambak ng graba at konkretong materyales, at mga compaction crane na ginagamit sa pagtatayo ng runway.
Makikita rin ang isang gravel barge na patungo sa bagong tayong wharf.
Ayon sa mga Security analyst at Military officials, maaaring maging mahalagang offshore military base ng China ang Antelope Reef kapag nakumpleto, dahil mapapalawak nito ang operasyon ng Chinese naval vessels at military aircraft sa WPS.
Hindi pa kinikilala ng china ang pagtatayo ng bagong military base.
Sa halip, sinabi ng state media na maaaring gamitin ang lugar para sa civilian purposes gaya ng weather forecasting, maritime activities at scientific research.
Ang Paracel islands ay inaangkin din ng Vietnam at Taiwan.
Samantala, patuloy na binabantayan ng mga analyst ang mga development sa lugar dahil sa potensiyal nitong dagdagan ang presensya at kakayahan ng China sa pinagtatalunang West Philippine Sea.
















