Maglalaan ng Php 2B pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Davao Region sa susunod na taon.
Kabilang sa mga popondohan ang pagpapatuloy ng P212 milyong Talomo River flood control project na layong maiwasan ang muling pagbaha sa mga kalapit na komunidad.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, halos tapos na ang pagtatayo ng mga gabion wall o istrukturang panangga sa pag-apaw ng ilog.
Kasunod nito, isasagawa naman ang pagpapataas sa Bailey Bridge upang makatulong sa pagdaloy ng tubig tuwing may malakas na pag-ulan.
Matatandaang daan-daang residente ang naapektuhan ng matinding pagbaha sa lugar noong Hulyo, dahilan upang maglaan ang DPWH ng Php 100M mula sa quick response fund nito.
Nilinaw naman ng kalihim na ang Php 2B pondo para sa 2027 ay nakalaan sa mga aktuwal na proyekto at hiwalay sa Flood Control Master Plan na pinopondohan ng isang dayuhang ahensya.
















