Muling sumalang sa witness stand si Securities and Exchange Commission (SEC) Director Gerardo del Rosario para sa patuloy na cross-examination ng defense team ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.
Si Del Rosario, na tumatayo bilang ikalawang testigo ng House prosecution panel, ay iniharap ng panig ng prosekusyon upang magbigay ng testimonya kaugnay ng usapin ng kawalan ng probisyon para sa buong divestment ng mga pagmamay-aring negosyo at interes.
Agad naman siyang sumalang sa cross examination ni Atty. Justin Nicol Gular ng depensa.
Ginamit ng prosekusyon ang kanyang pahayag at mga dokumento mula sa SEC upang suportahan ang mga probisyon sa impeachment complaint na nag-aakusa sa bise presidente ng umano’y hindi maipaliwanag na kayamanan at posibleng paglabag sa probisyon ng probisyon ng Saligang Batas.
Sa ginanap na pagtatanong, pinalabas at inisa-isa ng mga abogado ni VP ang mga legal na argumento upang kwestyunin at pasubalian ang saklaw pati na rin ang kredibilidad ng mga ulat at sertipikasyong iprinisinta ng naturang opisyal ng SEC.
Kabilang ang usaping ito sa Articles of Impeachment na kasalukuyang dinidinig ng Senate impeachment court sa pagpapatuloy ng pormal na paglilitis laban sa pangalawang pangulo ng bansa.
















