-- Advertisements --

Inalamahan ni Department of Foreign Affairs Secretary Gilbert Teodoro ang China sa usapin ng West Philippine Sea, sa Seoul Defense Dialogue forum sa South Korea.

Sa kalagitnaan kasi ng kanyang pagsagot sa ilang katanungan sa defense forum, makikitang may inaabot na sulat kay Teodoro. Kung saan naglalaman ito ng stand ng China patungkol sa sa South China Sea Arbitration.

Ayon sa organizer ng forum, nanggaling ang note mula sa isang forum staff member at sinabing iabot ito kay Teodoro.

Sa sulat nakasaad na ang posisyon ng China ay “clear, consistent, and firm”

Agad naman ito kinuwestyon ito ni Teodoro, at iginiit na dumaan ang arbitration sa United Nations Convention on the Law of the Sea. Dagdag pa nito na isa ring porma ito ng pambubully at kawalan ng respeto sa nasabing forum.

Ayon pa kay Teodoro, na kaya hindi kinikilala ng China ang ruling ay dahil hindi sila nanalo sa nasabing Arbitral Award.

Inalmahan din ng defense chief ang naging gawi sa pagbibigay ng note sa kalagitnaan ng forum, na nagpapakita umano ng hindi paggalang sa mga organizer ng forum ng South Korea.