-- Advertisements --

Pinasisiguro ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Education (DepEd) na tiyakin ang magandang serbisyo ng tubig, kuryente sa mga paaralan sa buong bansa.

Personal na binisita ni Pang ang Epifanio de Los Santos Elementary School sa Maynila kung saan personal nitong inalam ang sitwasyon sa unang araw ng pasukan at kung ano pa ang mga pangangailangan.

Inikot ng Pangulo ang mga classroom kung saan nagkaroon ito ng pagkakataon na magkaroon ng interaksiyon sa batang mag-aaral.

Siniguro naman ng Pangulo na buo ang suporta ng pamahalaan lalo na sa edukasyon.

Inatasan din ng Presidente ang DOH, DSWD, DTI at DOTr na tulungan ang DepEd ngayong pasukan na.

Inihayag ni DepEd Secretary Sonny Angara na pinatitiyak ng pangulo sa kanila na maayos ang water service para sa mga eskwelahan para sa kaligtasan at kalinisan ng mga estudyante.

Nais din aniya ng pangulo na gawing prayoridad ang pagsasaayos at paglilinis sa mga palikuran sa mga paaralan dahil nababahala umano ang presidente sa posibleng sakit na makuha ng mga dahil sa kawalan ng suplay ng tubig at maduming palikuran.

Samantala, ipinagmalaki na inanunsiyo ni Pangulong Marcos ang pag hire ng 20,000 bagong guro, sa ngayon out of 20-k nasa 16-k na ang nahire ng Deped.

Inatasan din ng Pangulo ang DICT na palawakin ang internet coverage, 60% pa lang ng mga eskwelahan yung may internet.

Pinatutugunan din nito ang problema sa kuryente kung saan prayoridad ang mga underserved na mga lugar.

Pinatutukan naman sa DSWD ang kaso ng bullying at mental health problem sa mga paaralan.

Kinumpirma ng Pangulo na sisimulan na ng gobyerno ang feeding program sa susunod na buwan.