-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Walong mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar katuwang ang pulisya sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ng South Regional Command, Daguma Front, Far South Mindanao Region (FSMR).

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roberto Capulong na ang walong NPA ay sumuko sa tropa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Frederick Chicote sa Barangay Masiag Bagumbayan Sultan Kudarat.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang M16 Armalite rifles, isang caliber.30 M1 carbine rifle,2 KG9, 1 Ingram, isang M79 grenade launcher (3) 40mm high explosives, command-detonated explosives (CDX) isang 12-Gauge Shotgun,mga bala at mga magasin.

Sinabi ni 603 Brigade Commander Colonel Michael Santos, na nagpasyang sumuko ang mga NPA dahil sa walang tigil na operasyon ng militar at nais na nilang magbagong buhay.

Sinabi ng isa sa mga sumuko na natutuwa siya na nabigyan sila ng pagkakataong magbagong buhay at itama ang pagkakamaling nagawa dahil sa panloloko ng CPP-NPA.

Biktima raw sila ng mga kasinungalingan at panlilinlang ng CPP-NPA. Gusto nila ng kapayapaan.

Ang CPP-NPA ay naghahasik ng takot at lagim sa komunidad at ito ang isa sa mga dahilan kaya sumuko sa mga awtoridad.

Pinuri naman ni MGen Capulong ang pwersa ng 603rd Brigade at 57th IB sa kanilang pagsisikap magwagi sa puso at isipan ng mga dating mandirigma na nanguna sa pagwawagayway ng puting watawat. “Nasira na ng mga rebelde ang napakaraming pamilya kung saan dinala nila ang ama, ang ina, o ang mga bata sa kanilang kamatayan sa kabundukan”.