Mahigit 7,000 ang dami ng mga bagong gumaling sa bansa dahil sa COVID-19.
iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na nasa 7,145 ang dagdag na mga nakarekober sa bansa.
sa ngayon umakyat pa sa 1,240,112 ang mga gumaling sa bansa o katumbas ‘yan sa 93.8 percent.
Sa kabilang dako, malaki ang pagkabawas sa bilang ng mga namamatay sa bansa pero umabot pa rin sa 57 ang mga nasawi dulot pa rin ng deadly virus.
Mula noong nakaraang taon ang death toll sa Pilipinas ay nasa 22,845 na.
Samantala, kinumpirma rin ng DOH na merong 6,426 na mga bago na namang kinapitan ng virus.
Sa kabuuan, lomobo pa sa 1,322,053 ang mga nagkasakit ng coronavirus sa bansa.
Gayunman merong 10 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“12 duplicates were removed from the total case count. Of these, 9 are recoveries. Moreover, 10 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH statement. “All labs were operational on June 12, 2021 while 10 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 10 non-reporting labs contribute, on average, 1.9% of samples tested and 2.1% of positive individuals.”