-- Advertisements --

Abiso para sa mga residente ng lungsod ng Maynila.

Makakaranas ng pansamantalang water supply interruption ang ilang bahagi ng lungsod ng Maynila mula nayong araw Mayo 10 hanggang Mayo 16, 2024.

Ito ay sa kadahilanang nakatakdang magsagawa ng scheduled maintenance activities ang Manila Water Company sa naturang mga nabanggit na araw.

Sa naturang abiso, magsisimula ang naturang pagpapatupad ng water service interruption tuwing alas-10:00pm hanggang alas-4:00am sa naturang panahon.

Samantala, paalala naman ng Manila Water, sa oras na muling bumalik na ang Water Service sa mga apektadong lugar ay pinapayuhan ang mga residente na paagusin muna ang tubig ng mga ito mula sa kanilang mga gripo sa loob ng ilang minuto hanggang sa maging malinaw nang muli ang tubig.