-- Advertisements --

Aabot sa anim na katao ang nasawi matapos ang isang pamamaril sa isang youth welfare center, sa lungsod ng Stade Germany.

Nangyari ang pamamaril bandang alas-12:10 ng tanghali (local time) sa Dankersstrasse, sa kanlurang bahagi ng Hamburg.

Ayon sa pulisya, kabilang sa mga nasawi ang apat na babae at dalawang lalaki, na pawang mga nasa hustong gulang.

Ang isa sa mga biktima ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Dalawang tao ang naaresto, kabilang ang pinaghihinalaang salarin.

May isa pang indibidwal na iniimbestigahan kaugnay ng insidente.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril.

Nananatiling nakasarado ang lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen.

Nilinaw naman ng pulisya na wala nang banta sa kaligtasan ng publiko sa lugar.