-- Advertisements --

Patay ang limang katao at 33 iba pa ang sugatan matapos na manalasa ang tornado sa Guangzho, China.

Nasira din ang nasa 141 na factory building subalit walang gumuhong mga kabahayan.

Ayon sa mga otoridad na ang tornado ay mayroong dalang pagbugso ng 20.6 meters na hangin.

Bago maganap aniya ang tornado ay nakaranas ng ilang araw na malalakas na pag-ulan sa southern China na nagdulot ng malawakang pagbaha.