CENTRAL MINDANAO-Limang mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa Joint Task Force Central sa Tacurong City.
Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Bungos ng BIFF-Bungos faction mula sa Datu Paglat Maguindanao.
Sumuko ang limang BIFF sa tropa ng Ist Mechanized Infantry (Lakan) Battalion ng Ist Mechanized Brigade sa Barangay Kalandagan Tacurong City.
Dala sa pagsuko ng mga rebelde ang mga matataas na uri ng armas,mga bala,magasin at mga pampasabog.
Pormal na tinanggap ang limang BIFF nina Ist Mechanized Brigade Commander Bregadier General Pedro Balisi at Datu Paglat Mayor Adbulkarim Langkuno.
Tumanggap rin ng inisyal na tulong ang mga rebelde mula sa LGU-Datu Paglat Maguindanao.
Hinikayat muli ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central acting Commander Bregadier Eduardo Gubat ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.










