Matagumpay na nagtapos sa kanilang pagsasanay ng 454 na mga bagong opisyal ng Bureau of Corrections ( BuCor).
Sa isang pahayag,sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang na kabilang sa MAMDATOS Class 20-2022 ang mga nagsipagtapos.
Ayon kay Catapang, anim na buwan ang ginugol ng mga ito upang sumalang sa Corrections Basic Recruit Course.
Lahat ng mga nagsipagtapos ay magkakaroon ng ranggong Correction Officer 1.
Sumalang sa naturang recruitment ng BuCor ay mga lisensyadong guro, Engineer, Agriculturist, Nurse , Nutritionist at mga Civil Service Passers.
Samantala , muli naman isasailalim sa re-training ang mga bagong Correction Officer sa New Bilibid Prison bago ito i deploy sa ibat-ibat mga Penal Colony sa bansa.
Paalala naman ni Catapang sa mga bagong Correction Officer na huwag magpapasilaw sa suhol ng mga tiwaling kawani.
Aminado kase ang opisyal na marami pa rin ang mga natitirang scalawag sa kanilang ahensya.