-- Advertisements --
May 450 pasyente na ng COVID-19 sa bansa ang naka-enroll sa malawakang clinical trial ng World Health Organization (WHO), batay sa datos ng hawak ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang mga naka-enroll na pasyente ay mula sa 22 ospital sa bansa.
Kapwa sila ginagamitan ng mga gamot na: remdesivir, ritonavir-lopinavir, at ritonavir-lopinavir with interferon beta.
Una nang itinigil ng kagawaran ang paggamit sa anti-malaria drug na hydroxychloroquine dahil sa resulta ng clinical trials nito sa ibang bansa.
Pero hindi pa raw tapos ang ginagawang trial kaya mahirap itakda ang pagiging epektibo nito laban sa virus ng COVID-19.










